^

Probinsiya

Ama, 4-anyos anak tinadtad ng bala, patay!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Ama, 4-anyos anak tinadtad ng bala, patay!
Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Eduarte Zapata, driver at anak na si Ailish Precious.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Patay ang isang 44-anyos na mister at 4-taong gulang na anak na babae matapos silang tadtarin ng bala ng hindi kilalang salarin sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Ditio Quemmel, Brgy. Lubluba, Dolores, Abra nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Eduarte Zapata, driver at anak na si Ailish Precious.

Ang mag-ama ay kapwa nakahiga sa folding bed sa harap ng kanilang bahay dakong alas-8 ng gabi nang biglang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at agad lumapit sa mag-ama saka sila walang habas na pinaulanan ng bala.

Kinondena ni Cordillera police director Brig. Gen. David Peredo ang krimen, na sinabing gumamit ang hired killer ng M16 assault rifle sa pagpatay sa mag-amang Zapata.

Mabilis na isinugod si Zapata sa Seares Medical Hospital sa Bangued subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA) dakong alas-8:20 ng gabi habang si Ailish, na nagtamo ng tama ng bala sa kanang puwit (buttocks) na tumagos sa tiyan at dibdib ay dinala sa St. Therese Wellness Center sa Dolores at saka inilipat sa Seares Medical Hospital pero idinekara ring DOA dakong alas-8:30 ng gabi.

Narekober ng mga forensic investigators sa pangunguna ni Lt. Lawrence Adrian Marave sa lugar ang may 11 fired cartridges ng M16 rifle.

Sinabi naman ng misis ni Zapata na si Vergelyn na may hindi nabayarang pagkakautang ang mister mula sa isang pribadong indibiduwal.

Kinukumpirma na rin ng pulisya ang ulat na si Zapata ay nagsisilbing driver ni Dolores town Mayor Conde Turqueza.

vuukle comment

ABRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with