^

Probinsiya

Ex-kagawad sakay ng kotse, todas sa ambush

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ex-kagawad sakay ng kotse, todas sa ambush
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Eleuterio Calilung III, nasa hustong gulang, da­ting kagawad at residente ng Brgy. Salinas 2, ng nasabi ring lungsod.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang dating barangay kawagad na sakay ng kotse matapos  tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Brgy. Salinas 1, lungsod ng Bacoor kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Eleuterio Calilung III, nasa hustong gulang, da­ting kagawad at residente ng Brgy. Salinas 2, ng nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon ng Bacoor City Police, dakong alas-5:21 ng hapon habang pauwi na sa kanyang tirahan ang biktima at sakay ng kaniyang Honda Civic na may plakang XBK510 nang maganap ang pananambang pagsapit nito sa nasabing lugar.

Nabatid na binuntutan hanggang sa dikitan ng isang itim na Honda Beat motorcycle na may sakay na dalawang armadong lalaki ang sasakyan ng biktima habang bumabagtas sa lugar at agad siyang pinagbabaril.

Nang makitang napuruhan ang target, agad na sumibat ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang mga salarin at kanilang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with