^

Probinsiya

Kelot na anak ng rape suspect, natagpuang patay

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki na uma­no ay anak ng isang rape suspect sa 16-an­yos na dalagita ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang cottage sa Brgy. Balanac, Magdalena, Laguna.

Ang bangkay ng bik­tima na kinilalang si Medwin Vasquez, 35, construction worker ay nadiskubreng duguang nakabulagta sa sahig ng pinsan nitong si Mark Andrew Vasquez na maghahatid sana ng pagkain mula sa kanyang handa.

Ayon kay P/Captain Errol Frejas, Magdalena police chief na ang biktima ay binaril sa ulo habang ito ay mahim­bing na natutulog sa loob ng cottage ng hindi pa kilalang gunman na gumamit ng kalibre 38 baril.

Walang natagpuang basyo ng bala sa pi­nang­yarihan ng krimen at walang testigo na nakakita sa krimen.

Subalit, ayon sa mga residente na sila ay nakarinig ng putok ng baril bago natagpuang patay ang biktima.

Sinabi ni Frejas na ang biktima ay anak umano ng rape-suspect ng isang 16-anyos na dalagita at sa inisyal na motibo ay posibleng paghihiganti ang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

KRIMEN

REVENGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with