^

Probinsiya

Selosong parak, arestado sa panggugulpi ng GF

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Selosong parak, arestado sa panggugulpi ng GF
Si Cpl. Louie Jay Luman- cas makaraang maares- to dahil sa panggugulpi at panunutok ng baril sa kanyang kasintahan.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines —  Agad na ikinulong ng kanyang mga kabaro ang isang pulis matapos nitong gawing punching bag ang kanyang nobya na halos hindi na ma­kagulapay, saka tinutukan pa nito ng baril dahil sa matinding pagseselos noong Lunes ng gabi sa Kidapawan City, kabisera ng Cotabato.

Nag-viral sa Facebook ang video na kuha ng mga netizens na makikitang paulit-ulit na sinuntok, tinadyakan, at sinabunutan bago tinutukan ng baril sa ulo ni Police Cpl. Louie Jay Lumancas, ang kanyang kasintahan na si Shaira Basmayor Kahar.

Labis umanong ikinagalit ni Lumancas ang pagkakaroon ng biktima ng ibang manliligaw kaya niya ito ginulpi sa Canapia Subdivision sa Kidapawan City.

Sinabi nitong Miyerkules ni Brig. Gen Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office 12, na kanyang pasasampahan si Lumancas ng hiwalay na kasong administratibo at paglabag sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and Children’s Act.

Si Lumancas ay kasapi ng municipal police force sa Magpet, isa sa 17 na mga bayan na sakop ng Cotabato.

Agad na inaresto si Lumancas ng mga kasapi ng Kidapawan City Police Office na nagresponde sa insidente at naghatid sa isang pagamutan sa duguang si Kahar na hirap nang lumakad sanhi ng pagkakagulpi ng una.

Kinumpiska rin ang service pistol at tsapa ng nasabing pulis na indikasyon ng pagsisi­mula ng kanyang kasong administratibo.

vuukle comment

JIMILI MACARAEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with