^

Probinsiya

Copper mining sa South Cotabato, kinatigan ng CA

John Unson - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY, Philippines — Nagalak ang mga residente rito sa lungsod at sa mga karatig na lugar sa pagpabor ng Court of Appeals (CA) sa kanilang kagustuhang ipamina na ang hindi bababa sa US$200 billion na halaga ng copper deposits sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Matagal nang gumawa ng kasulatang “free and prior consent” ang tribung Blaan, sa pamamagitan ng National Commission on Indigenous People, bilang pagpayag sa anumang malakihang copper mining activity sa kanilang ancestral lands sa Tampakan, mga 14 kilometro ang layo mula South Cotabato provincial capitol, dito sa lungsod.

Ayon kay Domingo Collado, indigenous people’s mandatory representative sa Tampakan Sangguniang Bayan, malinaw sa resolusyon ng Court of Appeals, may petsang August 22, 2022, na hindi mapi­pigilan ng South Cotabato Provincial Environmental Code, na nagbabawal sa mga small-scale mining activities, ang napipintong multi-billion copper mining activity sa kanilang bayan ng isang kumpanyang kinontrata ng national government at ng central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“It is clarified that the ban on open-pit mining does not apply to large-scale mining operations in the said province, particularly the Tampakan Project,” saad ng CA sa 3-pahinang resolusyon nito.

Ang naturang resolus­yon ang siyang tugon ng CA sa isang legal na katanungang inihain ng mga leader ng mga tribung Blaan at T’boli, ng mga lokal na mga opisyal at mga negosyanteng matagal ng pabor sa planong copper mining sa Tampakan kung totoong mapipigilan ng isang provincial ordinance lang ang anumang malakihang pagmimina sa naturang bayan.

“Malinaw sa kasagutan ng Court of Appeals, sa aming paghingi ng pag­lilinaw sa aming katanu­ngan, na hindi saklaw ng naturang provincial ordinance ang anumang large-scale mining operation sa South Cotabato na may pahintulot mula sa Malacañang,” pahayag ni Collado nitong Biyernes.

Ang pagsangguni ng iba’t ibang pro-mining sectors sa CA sa naturang usapin ay bunsod ng pag-iingay ng ilang mga Catholic church leaders laban sa pagpapamina ng copper sa Tampakan at coal sa ‘di kalayuang bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato.

Una nang sinabi ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. na hindi maaaring ipagbawal ng provincial ordinance lang at ng kanyang administrasyon ang anumang mining operations sa probinsya na ang pahintulot ay galing sa national government at hindi sa kahit anong local government unit lang.

vuukle comment

CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with