^

Probinsiya

2 sasakyan na sangkot sa P9.6 bilyong shabu sa Batangas inabandona sa Pampanga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inabandona sa magkahiwalay na lugar sa San Luis, Pampanga ang dalawang sasakyan na sangkot sa P9.6 bilyon drug haul kamakailan sa Alitagtag, Batangas.

Ito ang iniulat ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Forensic Group kung saan iniwan sa San Luis,Pampanga ang isang kulay itim na Land Cruiser at kulay puting Ford Explorer.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang dalawang sasakyan ay nakitang kasama ng Foton Van na may kargang P9.6 bilyon halaga ng shabu bago ito maharang sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas nitong Abril 15 ng umaga.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang Land Cruiser at Ford Explorer ay kasama umano ng Foton van na minamaneho ng suspek na si “Al” kung saan nakuha sa possession nito ang nasa 1.4 tonelada  ng illegal drugs.

Nag-backtrack na rin ang PNP sa mga lugar kaya nakumpirma na kasama ang dalawang sasakyan sa pagta-transport ng iligal na droga.

Nabatid na ang itim na Land Cruiser na nakita sa CCTV na may plakang NEJ 3399 ay pinalitan ng plate number na GAC 7890 nang matagpuan sa parking lot ng sementeryo sa barangay Sta. Lucia, San Luis, Pampanga, habang ang puting Ford Explorer na may plakang BMK 77 ay pinalitan ng plate number na CAX 1547 nang matagpuan ito sa parking lot ng sabungan sa nasabi ring bayan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with