^

Probinsiya

Babae, nahati katawan sa 10-wheeler truck

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahati ang katawan ng 65-anyos na babae matapos masagasaan ng isang 10 wheeler truck kahapon ng umaga sa  Cebu City.

Sa pamamagitan ng kanyang identification card, nakilala ang biktima na si Constancia Rosal, residente ng Brgy. Guizo, Mandaue City.

Ayon sa pahinante na si Jomari Cabradilla, tinatahak nila ang Cebu South Coastal Road (CSCR) sa South Road Properties, Cebu City nitong Linggo, dakong alas-9 ng umaga nang mangyari ang aksidente.

Patungo sila ng Ming­lanilla at may kargang mga tubo ng Steel Asia sa Poblacion Compostela nang biglang tumawid ang matandang biktima.

Hindi agad sumuko ang driver na si Gregorio Geoco subalit sinabi ng pahinante na si Jomari Cabradilla, nagpreno ang kanyang driver su­balit huli na at tinamaan pa rin ang lola.

Sinabi naman ng ­ilang saksi, tumilapon ang biktima na naging sanhi ng pagkakahati ng katawan at pagkadurog ng ulo nito.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Geoco.

vuukle comment

JOMARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with