^

Probinsiya

Drug operasyon sa Pampanga: 8 huli, P1.7 milyong droga samsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug operasyon sa Pampanga: 8 huli, P1.7 milyong droga samsam
Sa report ni P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Director ng Police Regional Office (PRO) 3, nasakote sa serye ng buy-bust operation nitong Mayo 1-2 ang mga suspect.
STAR/File

MANILA, Philippines — Walong pinaghihinalaang drug personalities ang nasakote habang nasa P1.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa Pampanga, ayon sa ulat ng opisyal nitong Sabado.

Sa report ni P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Director ng Police Regional Office (PRO) 3, nasakote sa serye ng buy-bust operation nitong Mayo 1-2 ang mga suspect.

Unang nabitag sa Brgy. Ninoy Aquino, Angeles City ang mga drug personality na sina alyas “Gio” at alyas “RJ” na nakumpiskahan ng 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000.

Bukod rito, nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na may kargang ilang mga bala at ang isang kulay ubeng Yamaha Mio Sporty na gamit sa kanilang illegal na aktibidades.

Nasakote naman ng mga elemento ng Angeles City Police-Drug Enforcement Unit at Police Station 3 si alyas “Ate” sa drug operation sa Brgy. Cutud, Angeles City at nakumpiska sa mga suspek ang 55 gramo ng shabu na may P374,000 ang halaga.

Samantala sa Brgy Poblacion, Mabalacat City, nasakote sina alyas “Bong”, “Nog” at “Meinando” makaraang makumpiskahan ng 56 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P380,000.

Ayon pa kay Hidalgo,  nahuli rin kamakalawa sa Brgy. dela Paz, San Fernando City sina alyas “Jonel” at alyas “Jerome” makaraang makuhanan ng 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with