^

Probinsiya

300 mangingisda sa Bulacan, tumanggap ng ayuda

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNGSOD NG MALOLOS, Philippines — Namahagi ng tulong pangkabuhayan si Gob. Daniel Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa idinaos na pamamahagi ng gill nets at marine engine sa Bulacan Sports Complex, dito sa lungsod, kamakalawa.

May kabuuang 233 gill nets at 65 marine engines ang naipamahagi sa 300 Bulakenyong mangingis­da mula sa Lungsod ng Malolos at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, San Rafael at Obando.

Ayon kay Fernando, malaki ang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng Bulacan. Pinayuhan din niya ang mga mangingis­da na manatiling res­ponsable at panatilihin ang kanilang kapanatagan sa panahon ng mga hindi inaasahang kalamidad sa lalawigan.

“Mamamayang Bula­kenyo, pagdating sa pagbabawas, maging responsable. Upang makarating sa atin ang kaunlaran, kailangan nating maging handa sa mga pagbabagong makakamit sa ating lipunan. Ang hiling ko lang ay magtulungan tayo, magtulungan tayo para walang bagyong dumating, magtulungan tayo para maging maganda ang taon na ito para ipagpatuloy ng ating mga magsasaka ang kanilang negosyo, at magtulungan tayo na protektahan ang inyong mga batas,” ani Fernando.

Nagbigay din ang People’s Governor ng karagdagang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P1,000 bawat mangingis­da bilang karagdagang tulong sa kanilang mga pamilya.

FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with