^

Probinsiya

Killer ng kandidatong vice mayor sa Cavite, sumuko

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago pa mailabas ang reward money ay nagpasyang sumuko ka­hapon sa pulisya ang pumatay sa kandidatong vice mayor ng bayan ng Maragondon, lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang sumukong suspek na si Ro­bert Amoranto, nasa hustong gulang, resi­dente ng Lavanya Subdivision Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City, Cavite.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag si Congressman Jonjon Ferrer mula sa kaanak ng suspek na gusto nitong sumuko sa pulisya.

Matatandaan na na­patay ng suspek ang biktimang si Nolito Angeles Magallanes alias Vice Pogi, 54-anyos, may-asawa, residente ng Maragondon, Cavite at kasalukuyang kuma­kandidatong vice mayor ng nasabing bayan.

Nag-ugat ang pagpatay nang sitahin ng suspek ang sasakyan ng biktima na nakapa­rada sa basketball court ng subdivision na naka­kaistorbo umano sa pag­lalaro ng mga residente dito kung saan ang sus­pek ay security offi­cers ng HOA ng subdi­bisyon.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na agad namang naawat hanggang sa kinagabihan ay nagkaroon ng inuman na magkasama ang biktima at suspek­ na kung saan ay na­ungkat ang pagtatalo nila ng umaga.

Pag-uwi ng biktima sa bahay ay sinundan ito ng suspek na kapitbahay nito at dito na pinagba­baril hanggang sa ma­patay.

KANDIDATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with