Halos lahat ng medical frontliner sa Dagupan bakunado na kontra COVID-19
MANILA, Philippines — Ayon sa city health office (CHO), bakunado na kontra coronavirus disease (COVID-19) ang halos lahat ng medical frontliner sa Dagupan.
Batay sa datos ng CHO, 94.5 porsyento na o 6,996 medical frontliners na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay mula sa 7,399 medical frontliners ng lungsod.
Nakatanggap na rin ng ikalawang dose ang 2,374 medical frontliners ng Dagupan City.
Ayon kay Mayor Brian Lim, may ilang health worker ang naghihintay pa ng ibang brand ng bakuna at ang iba ay nag-aalinlangang tumanggap ng bakuna.
Nakatanggap na rin ng unang dose ng bakuna ang 1,648 seniors.
Samantala,nabakunahan na ang 62 porsyento ng mga health worker ng Pangasinan; 52 porsyento sa La Union; 40 porsyento sa Ilocos Sur; 40 porsyento sa Ilocos Norte
- Latest