Mister todas, misis at anak sugatan sa ambush
PIKIT, North Cotabato, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang pinagbabaril habang sakay ng kanilang sasakyan kamakalawa ng hapon sa bayang ito.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Henry Dorig,50, habang nasugatan ang misis nitong si Venus Dorig, 50 at ang anak na si Mekaila Dorig 11.
Sa inisyal na inbestigasyon ng pulisya, alas-4:00 ng hapon ay pauwi na umano ang mga biktima sakay ng Toyota Avanza nang dikitan ng riding-in- tandem gamit ang caliber 45 pistol at pagbabarilin.
Sa ngayon ay blangko pa ang otoridad kung ano ang motibo sa krimen.
- Latest