^

Probinsiya

Lola nahipnotismo; P90K nalimas

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Umaabot sa P90K ang nasikwat sa 84-anyos na lola matapos magoyo ng dalawang mi­yembro ng sindikato kung saan sinasabing gumamit pa ng hipnotismo sa matanda noong Huwebes ng hapon sa Barangay San Agustin III sa Dasmariñas City, Cavite.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Andrea Alba y Arguelles, biyuda, ng Barangay Paligawan sa bayan ng Silang, Cavite.

Pinaghahanap naman ang dalawa na nagpanggap na mag-asawa na may mga tattoo sa braso at paa, kapwa naka-T-shirt, maong pants at lulan ng puting van.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Ivan Cris Baysa, lumitaw na nasa Bayad Center ang biktima para magbayad ng electric bill malapit sa Silang Wet and Dry Market nang lapitan ng dalawang di-kilalang sibilyan.

Nagpakilala sa biktima ang dalawa na balikbayan mula sa Canada kung saan kinumusta ang kanyang anak na nasa Canada.

Nakumbinsi naman ang matanda dahil may ipina­dalang regalo ang kanyang anak mula sa nasabing bansa kung saan nahikayat siyang kunin ang ATM card mula sa kanyang bahay.

Gayon pa man nang mahimasmasan ang matanda sa bisinidad ng Barangay Sampalok IV kung saan siya ibinababa mula sa van ay nawawala na ang kanyang cellphone, gintong singsing, at ang malaking halaga na kanyang wini-draw sa banko.

Kasalukuyang nirerebisa ng pulisya ang footage ng CCTV camera sa banko para makilala ang mga suspek.

ACIRC

ANDREA ALBA

ANG

ARGUELLES

BARANGAY PALIGAWAN

BARANGAY SAMPALOK

BARANGAY SAN AGUSTIN

BAYAD CENTER

CAVITE

DRY MARKET

IVAN CRIS BAYSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with