^

Probinsiya

Matapos dumalo sa Papal mass deboto nabagsakan ng sound system, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 21-anyos na babaeng taga-Samar ang nasawi nang mabagsakan ng sound system na nakalagay sa scaffolding, matapos na dumalo sa Misa ni Pope Francis sa Tacloban City kahapon.

Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Tacloban City Police Director P/Sr. Supt. Domingo Cabillan, kata­tapos lamang mag-Misa ni Pope Francis sa Daniel Romualdez airport nang bigla na lamang ilipad ng hangin ang scaffolding ng speaker malapit sa altar.

Kinilala ang biktimang si Kristel Padasas, volunteer ng Catholic Relief Service.

Ang Eastern Visayas ay nasa ilalim ng Signal No. 2 dulot ng pananalasa ng bagyong Amang.

Sa inisyal na ulat, si Padasas ay kabilang sa halos 150,000 katao na dumayo sa Tacloban City para du­malo sa misa ni Pope Francis na hindi ininda ang bagyo nang magtungo sa lungsod at Palo, Leyte.

Gayunman, dahil sa masamang lagay ng panahon ay napilitan naman si Pope Francis at ang entourage nito na paikliin ang kanilang biyahe sa Leyte kung saan maayos ang mga itong nakabalik sa Maynila.

Sa kabila naman ng ma­sungit na panahong dulot ng bagyo ay naibsan ang hinagpis ng mga survivors ng bagyong Yolanda dahil dinalaw sila ng Santo Papa.

ANG EASTERN VISAYAS

CATHOLIC RELIEF SERVICE

DANIEL ROMUALDEZ

DOMINGO CABILLAN

KRISTEL PADASAS

LEYTE

MISA

POPE FRANCIS

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with