^

Probinsiya

Mar, Gazmin, umaming nahihirapan hulihin si Misuari

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ng senior security advisers ni Pangulong Benigno Aquino III na nahihirapan ang mga awtoridad na madakip si Moro National Liberation Front (MILF) founding chairman Nur Misuari na nahaharap sa patung-patong na kaso.

“There have been on going operations conducted by the police, However, it was hard to locate Mr. Misuari because his hideout is enclosed in an area by his large supporters or those helping him,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas nitong kamakalawa.

Sinabi naman ni  Defense Secretary Voltaire Gazmin na patuloy pa rin naman ang pagsuyod nila upang mahuli si Misuari na nanguna sa madugong bakbakan sa Zamboanga City nitong nakaraang taon.

“Ang problema natin kasi malaki ang kanyang grupo, marami ang tumutulong na itatago siya.”

Hindi na naman nagbigay pa ng detalye ang dalawang opisyal.

Naunan nang nainulat na nasa kagubatan ng Sulu si Misuari kung saan pinoprotektahan siya ng kanyang mga armadong tauhan.

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

INAMIN

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MR. MISUARI

NAUNAN

NUR MISUARI

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with