Supporter ng kandidato itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang 65-anyos na sinasabing supporter ni governatorial bet na si dating Pampanga Governor Eddie Panlilio makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay San Agustin, bayan ng Arayat, Pampanga kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Allan Palomo, hepe ng Arayat PNP na nakarating sa Camp Crame, napuruhan sa dibdib ang biktimang si Gaudencio Penuliar, konsehal ng barangay sa naturang lugar. Nabatid na nagwawalis ang biktima sa bakuran ng kanyang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng tandem bandang alas-7:30 ng umaga. Si Penulliar ang ikalawang lider ng barangay na napatay sa Arayat simula noong Enero 2013.
- Latest