^

Probinsiya

Mayor, ex-mayor nag-agawan sa mikropono, muntik ng magbarilan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY , Philippines  — Nabahiran ng tensyon ang masayang pagdaraos ng Teachers Convention sa Lucena City, kamakalawa ng hapon nang magpang-abot sa okasyon ang mayor­ at ex-mayor na muntik ng humantong sa barilan dahil lamang sa pag-aagawan sa  mikropono.

Nabatid na habang ginaganap ang kumbensyon ng mga guro sa Quezon Convention Center ay nag-paagaw ng pera si ex-Mayor­ Ramon Talaga Jr. habang nakaupo naman ang bago pa lamang kauupong mayor­ na si Vice Mayor Roderick Alcala na pumalit sa napatalsik na asawa ni Ramon na si Barbara.

Maya-maya ay tumugtog ang sikat na “gangnam style” at nakisayaw si Mayor Alcala sa mga guro at sa puntong iyon ay pumunta sa operator si ex-Mayor Talaga at ipinahinto ang tugtog at nagsalita sa mikropono na magpapalaro na lamang siya.

Doon na siya nilapitan ni Mayor Alcala at kinuha rin ang mikropono saka nagsabing huwag nang pumapel si Talaga dahil hindi na ito opisyal o ibinoto ng bayan.

Sa puntong iyon na nagkaroon ng iringan na kapwa nagsipagkasa ng kanilang mga baril ang bodyguard ng dalawang pulitiko kaya nagsimula ang kaguluhan at nagtakbuhan ang mga guro na lumikha ng bahagyang stampede sa loob ng Quezon Convention Center.

Napayapa lamang ang sitwasyon nang pumagitna si Governor David Suarez at ipinatigil ang okasyon na naka-schedule sanang ganapin hanggang gabi.

 

vuukle comment

GOVERNOR DAVID SUAREZ

LUCENA CITY

MAYOR

MAYOR ALCALA

MAYOR TALAGA

NABAHIRAN

QUEZON CONVENTION CENTER

RAMON TALAGA JR.

TEACHERS CONVENTION

VICE MAYOR RODERICK ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with