^

Bansa

POGOs nag-o-operate malapit sa EDCA sites – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpira ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may iilang Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs)) ang nag-o-operate malapit sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites.

Ayon kay PAOCC spokesperson John Casio, iniimbestigahan na ang mga ito at pakay sa paglalagay ng POGOs sa lugar.

Ang Edca sites ay lugar ng US military troops sa bansa na nagsasagawa ng mga pagsasanay.

Iisa lamang umano ang kanilang nais na mangyari at ito ay maipatigil ang operasyon.

Binatikos din ni Casio ang PAGCOR dahil sa kawalan nito ng monitoring sa kilos ng mga POGO.

Umaasa sila na agad na aaksiyunan ng PAGCOR at iba pang ahensiya ang isyu kasama ang Department of National Defense (DND).

Ito’y upang masiguro na walang scam farm ang nasa lokasyon malapit sa Edca sites.

Samantala, nanawagan din ang PAOCC sa mga alkalde na tumulong sa pagsugpo ng illegal POGOs na tinatawag na “scam farms”.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang ‘alibi’ na hindi nila alam ang pagkakaroon ng POGOs sa kanilang nasasakupan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with