^

Metro

Barker todas sa away parking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Barker todas sa away parking
Ang barker na binaril at napatay ng kanyang kapwa barker sa panulukan ng Ma.Orosa St. at United Nations Avenue, sa Maynila dahil sa trabaho.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Dahil sa kumpetisyon sa kanilang diskarte sa pagpaparada ng mga sasakyan, patay ang isang 43-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng kaalitang kapwa barker/parking boy, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Michael Laki at residente ng Ma. Orosa St., Ermita, habang tinutugis na ang suspek na si alyas Andy, na nakatira sa Jorge Bocobo St., sa Ermita.

Naganap ang insi­dente sa kahabaan ng United Nations Avenue hanggang sa makara­ting sa Ma. Orosa St., alas-11:45 ng umaga ng Nobyembre 9.

Batay sa mga saksi, nakitang nagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa tumakbo papalayo ang una nang makita ang dalang baril ng huli.

Nasa tatlong putok ang narinig ng mga taong malapit sa pinangyarihan hanggang sa nakitang nakabulagta na ang biktima.

Naglakad lamang ang suspek sa direksyon ng UN Avenue matapos umano ang pamamaril.

Sinisiyasat ng pulisya ang posibilidad na inggit sa diskarte sa pagiging barker ang motibo sa insidente.

Nangangalap pa ng kuha ng CCTV sa lugar ang imbestigador ng Manila Police District Homicide Section.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with