^

Bansa

Mga iskul ‘wag gamiting ­evacuation center – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga local ­government units (LGUs) na iwasang gamitin bilang evacuation centers ang mga paaralan ngayong nalalapit na naman ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa, maaari kasi itong magresulta sa pagkaantala ng pag-aaral ng mga bata.

Ani Poa, ang naturang alalahanin ay ipinaabot na nila sa idinaos na council meeting, kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Tayo ay nagbigay na rin ng posisyon na sana ay talagang hindi na magamit ang ating mga paaralan as evacuation centers dahil nga talagang hindi maiiwasan minsan na tumatagal ang stay at nagha-hamper talaga, nagkakaroon talaga ng learning disruption,” paliwanag pa ni Poa.

Matatandaang kalimitan nang ang mga paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers ng mga residenteng kailangang lumikas ng kanilang tahanan sa panahon ng kalamidad.

Gayunman, sinabi ni Poa na maging ang mga mag-aaral na hindi naman gaanong apektado ng ­kalamidad ay hindi rin agad makabalik sa paaralan kung ginagamit na evacuation center ang mga eskwelahan.

Alinsunod sa nirebisang DepEd Order 37, na nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, maaaring gamitin ang mga paaralan bilang immediate ­evacuation site sa panahon ng kalamidad. Gayunman, hindi ito dapat tu­magal ng higit sa 15 araw.

Sakali aniyang kailanganing magsuspinde ng face-to-face classes dahil sa panahon ng kalamidad, ipagpapatuloy ng DepEd ang pagpapatupad ng alternative delivery modes.

Ang School Year 2024-2025 ay nakatakdang magsimula sa Hulyo 29, 2024, na panahon pa ng tag-ulan sa bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with