^

Bansa

NTC bigong maipatupad SIM registration law vs POGO

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
NTC bigong maipatupad SIM registration law vs POGO
This photo shows a picture of the National Telecommuncations Commission's building in Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Kinastigo ni Senador Win Gatchalian ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa kabiguan nitong maipatupad ang mga probisyon ng SIM registration law na humahantong sa paggamit ng mga scammers sa iba’t ibang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Gatchalian, patuloy na gumagawa ng mga aktibidad ng pandaraya at scamming ang POGO gamit ang sim cards.

“Dapat gawin ng NTC ang trabaho nito na tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng SIM registration law. Ang layunin ng batas na ito ay magbigay ng pananagutan para sa mga gumagamit ng mga SIM card at suportahan ang pagpapatupad ng batas sa pagsubaybay sa mga krimen na ginagawa sa pamamagitan ng telepono. Ngunit dahil tila nakalimutan na ng NTC ang responsibilidad nito, ang mga scammer sa industriya ng POGO ay patuloy na gumagamit ng SIM card nang walang tigil,” sabi ni Gatchalian.

Ang isa aniyang common denominator sa mga POGO na isinailalim sa pagsalakay ng mga awtoridad ay ang bulto-bultong mga SIM card na ginagamit para sa pandaraya at paggawa ng kung anu-anong scam.

Nakita ito ng publiko noong ni-raid ang Smartweb Technology Corp. sa Pasay City, Zun Yuan ­Technology sa Bamban, Tarlac, at sa paghalughog sa Lucky South 99 na sumasaklaw sa Porac at Angeles City sa Pampanga.

Sa kaso ng Zun Yuan, natuklasan ng mga awtoridad ang mga SIM card na may maling pagkakakilanlan, kasama ang iba’t ibang mga telepono at mga script na ginagamit sa pang-iiscam.

Ang mga SIM card ay ginagamit sa pagsasagawa ng love scam, cryptocurrency scam, at iba pang mga investment scam.

Bukod sa mga SIM card, ang ginawang search at seizure operation sa loob ng Lucky South 99 ay humantong din sa pagtuklas ng iba’t ibang phone device, droga, at mga sinasabing torture device.

Ayon kay Gatchalian, ang Republic Act No. 11934, o ang SIM Card Registration Act, ay isinabatas na may pangunahing layunin na bawasan, kung hindi man tuluyang maalis, ang mga scam na ginagawa sa pamamagitan ng text o online messages. Mula noong ipatupad ang batas noong Oktubre 10, 2022, ang mga aktibidad ng scamming ay tumaas nang malaki, taliwas sa inaasahan.

vuukle comment

POGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with