^

Bansa

Crackdown vs fake yosi nilarga ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Crackdown vs fake yosi nilarga ng PNP
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Rommel Francisco Marbil , inatasan niya ang lahat ng police units na paigtingin ang kanilang monitoring at kampanya laban sa mga peke at smuggle na sigarilyo.
STAR/ File

P25-bilyong kita ng gobyerno nawawala

MANILA, Philippines — Bunsod sa nawa-walang kita  na umaabot sa P25 bilyon kada taon, inutos ni ­Philippine National Police (PNP) chief Rommel Francisco  Marbil ang crackdown laban sa mga pekeng sigarilyo na nakakaapekto rin sa kabuhayan ng mga tobacco farmers at kalusugan ng publiko.

Ayon kay Marbil, inatasan niya ang lahat ng  police units na paigtingin ang kanilang monitoring at kampanya laban sa mga peke at smuggle na sigarilyo.

Aniya, dapat na matigil ang panloloko at pananamantala ng mga mapang-abusong negosyante na nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa gayundin sa kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Marbil na mas paiigtingin ang  surveillance, mahigpit na pagbabantay sa mga borders at koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies.

Nabatid na ang kautusan ni  Marbil ay kasunod ng ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na  ang paglipana na mga peke at smuggled na sigarilyo ay nagdulot ng ‘15.9 percent’ pagbaba sa kita ng pamahalaan noong 2023, na nagkakahalaga ng P25.5 bilyon lugi ng sumunod na taon.

Mula Enero hanggang Abril ngayon taon, iniulat ng BIR na P6.6 bilyon ang nalugi sa pamahalaan.

Nagkaroon din aniya ng police operations sa Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga City na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga peke at puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Napigilan ng mga pulis at Bureau of Customs (BoC) ang pagpasok ng mga kontrabando na malaking tulong sa kalusugan ng publiko.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with