^

Punto Mo

Mayang (131)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMIYAK si Jeffmari matapos hablutin ni Puri. ­Nagpapalag!

“Bitiwan mo akooo! Bitiwan mo akoooo!”

Pero sa halip na bitiwan ay lalo pang hinigpitan ni Puri ang pagkakahawak kay Jeffmari. Tinutukan ng baril sa ulo.

“Sige, umiyak ka pa at babarilin kita! Tumigil ka!’’

“Barilin mo yan!” sabi ni Henry habang hawak ang kanang braso na dumurugo dahil nadaplisan ng saksakin nina Mayang at Mam Araceli.

“Huwag kang apurado Henry. Ang gusto kong unahin ay si Mayang. Siya ang gagantihan natin at saka isusunod itong anak niya. Uunti-untiin natin ang pagpatay sa kanila!”

“Kung ako sa’yo, magsampol ka na para maniwalang totoo ang sinasabi mo. Kailangang gawin mo na at nang makaalis na tayo!’’

“Barilin ko ang batang ito?”

“Oo!’’

Sa narinig, biglang dinamba ni Mayang si Puri. Bahala na! Sa isip ni Mayang, kailangang mailigtas niya si Jeffmari.

“Walanghiya ka! Walanghiya ka Puri! Anong kasalanan ng anak ko!’’ sabi niya sabay suntok sa mukha ni Puri.

Napaatras si Puri. Masakit ang bahaging tinamaan ng suntok.

“Aba’t matapang ang gagang ito! Gusto mo pagsabayin ko kayong barilin nitong anak mo?”

“Hayop ka Puri! Anong kasalanan ko sa’yo?”

“Ang asawa mo ang may kasalanan! Dahil sa ginawa niya nabilanggo kami! Ikaw at ang anak mo ang magbabayad ng kasalanan niya!’’

Hindi na inisip ni Mayang ang mga susunod pa at muling dinamba si Puri. Nahawakan niya ang kamay nito na may hawak na baril. Aagawin niya ang baril!

Nagpambuno sila. Hindi niya hahayaan na mamatay siya nang walang laban.

Nagpagulung-gulong sila sa sahig.

Naitutok ni Mayang ang baril sa mukha ni Puri.

Si Henry naman ay hirap na hirap ikilos ang kanang braso dahil sa sugat. Pilit niyang iniumang ang baril kay Mayang.

Kakalabitin na niya ang gatilyo nang biglang may pumutok.

Bang! Bang!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with