^

PM Sports

Abando goodbye na sa Red Boosters

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang natapos ang ugnayan nina Rhenz Abando at Anyang Jung Kwang Jang Red Boosters para sa susunod na season ng Korean Basketball League.

Inanunsiyo ng dating NCAA Rookie-MVP na si Abando ang pagtatapos ng kontrata nito sa Anyang Jung Kwang Jang Red Boosters.

Dalawang taon ding naglaro si Abando para sa Anyang Jung Kwang Jang Red Boosters kung saan naging maganda naman ang resulta nito partikular na sa kanyang unang season.

“It was a great two-year ride. It was like a roller-coaster ride with a lot of ups and downs. But nonetheless, I learned a lot. Until we meet again,” ani Abando sa kanyang post sa social media.

Sa kanyang unang taon sa KBL, tinulungan nito ang Anyang Jung Kwang Jang Red Boosters na magkampeon sa regular season ng torneo.

Itinanghal pa itong kampeon sa KBL Slam Dunk Contest at naging bahagi ng KBL 3x3 All-Star Game champion.

Subalit hindi masya­dong maganda ang kanyang ikalawang season matapos mabigong makapasok sa playoffs ang ka­nilang tropa.

Nagtapos lamang ang Anyang sa ikasiyam na puwesto sa katatapos na season ng KBL.

vuukle comment

RHENZ ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with