^

Pang Movies

Mag-inang Vi at Luis kasado na ang tandem, Ryan sa kongreso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kalat na ngayon, tatakbong gobernador ng Batangas si Ate Vi (Vilma Santos). Hindi rin naiwasan ng Star for All Seasons ang maraming petisyon mula sa kanyang mga kababayan at ng mga lider ng kanilang local party, ang One Batangas.

Pero hindi lang iyan, lumalabas na ang magi­ging running mate niya ay ang kanyang anak na si Luis Manzano at ang papalit naman sa dati niyang puwesto bilang congressman ng Lipa ay ang isa niyang anak, si Ryan Christian Recto.

Matagal na naming narinig ang mga bagay na iyan, si Ate Vi rin naman mismo ang nagsabi sa amin na noon pa raw nagsabi si Luis sa kanya na kung tatakbo siyang governor siya naman ang tatakbong vice niya.

Ang dahilan naman noon ay para nga raw talagang matulungan din siya lalo na sa mga proyekto ng lalawigan.

Hindi rin naman maikakaila na maraming tinitingnang advocacy si Ate Vi, para naman sa industriya ng pelikula na inaamin niyang pinagkakautangan niya ng loob.  

Pero ang lahat naman ng iyan ay hindi pa opisyal hanggang hindi nakakapag-file ng certificate of candidacy sina Ate Vi, Luis at Ryan.

Pelikula ni Nora, ‘di pinansin ng fans

Nagulat din kami, maging ang klasikong pelikulang ginawa ni Lupita Aquino Kashiwahara, iyong Minsan Isang Gamu-Gamo, ay hindi pinasok ng mga tao kahit na singkuwenta pesos lang ang entrance.

Marami ang sinasabing dahilan kung kaya nangyari ang ganoon. Una, baka hindi naman daw alam ng mga tao kung kailan nga ang schedule ng showing nito sa kasalukuyan bilang bahagi ng 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival. Ang isa pang sinasabi nila, mukhang wala na ngang interest ang mga tao kay Nora Aunor, dahil ang fans niya ay medyo matatanda na rin naman at hindi na kasing aktibo gaya noong dati. 

 Malaki rin ang epekto nung hindi na makakanta si Nora, dahil sumikat naman siya talaga bilang isang singer, at nang hindi na siya makakanta, naapektuhan na ang kanyang popularidad.

Elias, kinumpara kay Aga

Ipinalabas na muli ang restored version ng pelikula ni Eddie Romero na Aguila na pinangunahan naman ni FPJ o Fernando Poe Jr. nung nagsimula ng pagdiriwang ng Industry Month ng Industriya ng pelikula na natapos na noong Linggo. Muling napag-usapan ang cute na batang lalaki na lumabas na apo sa tuhod ni Aguila na nakakita ng libro sa attic ng kanilang bahay na nagsasalaysay ng buhay ni Aguila, ang cute na batang iyon – si Ariel Muhlach ay natandaan ng mga tao kaya nang magbalik naman siya bilang isang teenager na, bilang si Aga Muhlach, mabilis ang naging pagsikat niya talaga.

Kung iisipin mo, si Aga nga ang talagang baguhan sa Bagets.

Ang tanong nila, ganyan din kaya ang mangyari kay Elias Modesto Cruz , na naging viral din ang pictures matapos na i-post ng nanay niyang si Ellen Adarna dahil napaka-cute rin noon sa kanyang pictures? Kaya sabi nga nila, malamang na magaya rin siya kay Aga, na inabangan ng mga tao nang maging teenager na.

Male star na juts, ‘di bumenta ang sexy photos!

Kung minsan mahirap rin talaga makuha ang approval ng publiko. Nakatuwaan ng isang male star na maglabas ng kanyang sexy pictures sa social media, bilang follow-up nga siguro sa kanyang ginawa sa isang underwear fashion show kamakailan.

Medyo mas sexy nga ang pinalabas niyang photos at video sa social media, dahil sa comment ng mga tao noong una na nagpa-sexy na siya hindi pa niya itinodo

Ngayon naman ang sinasabi, naglakas loob pa raw siya eh “juts” naman pala.

Kung sabagay mapag-usapan man siya nang ganoon, eh talaga namang puro gay-themed movies at series ang ginagawa niya sa ngayon eh. Ano man ang gawin niya mahihirapan na siyang burahin sa isipan ng masa na ganoon na nga siya.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with