^

PSN Palaro

Ateneo isinalba nina Porter, Bahay

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinapitan ng Ateneo de Manila University ang kanilang rookies na sina Kristian Porter at Jared Bahay sa opensa para kaldagin ang National Uni­versity sa makapigil hiningang 70-68 panalo sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Nagtala si Porter ng double-double performance na 14 points at 10 rebounds kasama ang tig-dalawang steals at blocks para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang pangalawang panalo sa walong laban.

Nakabawi si Porter mula sa masagwang laro nang una nilang makaharap ang Bulldogs sa first round kung saan ay bokya ito sa puntos at isang rebound lang ang nai-ambag nito.

“My mindset coming to the game was just do my job and help the team no matter how and just play through the system, the points just came, the rebounds. I just trusted my teammates and I wanna put this out here, the Ateneo community. Going out, seeing the whole community no matter our standing, they’re still there for us,” ani Porter.

Kumana si Bahay ng 12 puntos, anim na boards, limang assists, at isang steal habang 10 points at walong rebounds ang i­nambag ni Chris Koon para sa A­teneo na nakalsuhan ang kanilang three-game skid.

Naging matatag ang Blue Eagles at lumaban ng sabayan kahit wala ang kanilang’ frontcourt players na sina Kyle Ong at Josh Lazaro.

Tumikada si Jake Figueroa ng 15 points at 10 rebounds habang kinana ni Jolo Manansala ang 12 markers at pitong rebounds para sa Bulldogs.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with