^

PSN Palaro

Isang import lang sa PBA Commissioner’s Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang import na lamang na may unlimited height ang mapapanood sa dara­ting na Season 49 PBA Commissiner’s Cup.

Kasabay nito ang pag­pasok ng Hong Kong Eastern bilang guest team sa torneong didribol sa Nob­yembre 27.

Inaasahang magda­dala ng mga imports ang Hong Kong Eastern, pi­nagmulan ni Christian Stand­hardinger sa ASEAN Basketball League (ABL), na naglalaro din sa East Asia Super League (EASL) kung saan dalawang im­ports ang puwedeng isa­ang.

“Imports natin for the Commissioner’s Cup isa lang with unlimited height. Pinag-usapan din namin sa Hong Kong Eastern ‘yun. And pumayag din sila doon,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

Sa PBA rules, maaaring palitan ang original import at ilagay sa injured/re­­served list para muling ma­kabalik sa torneo.

Ngunit ang replacement import na pinalitan ay hindi na puwedeng pag­laruin.

“Puwede silang magpa­lit (ng import) pero accor­ding sa regulations natin,” sabi ni Marcial sa Hong Kong Eastern.

Ipapanalisa ng PBA at ng guest team ang kontrata.

“Kontrata na lang. Pero in principle ok na kami nu’ng team owner (chairman Frankie Yau). Kausap ko siya nu’ng isang araw nasa Europe siya. Gagawa na lang ng kontrata,” wika ni Marcial.

Gusto ng HK Eastern ng isang two-year stint sa PBA.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with