^

PSN Palaro

Japan Embassy kinilala si Yulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Japan Embassy kinilala si Yulo
Ipinagdiwang ni Japan Ambassador to the Phi-lippines Endo Kazuya ang tagumpay ni gymnast Carlos Yulo sa Paris Olympics kasama ang kanyang asawang si Akiko Endo at sina Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann, Cavite 8th District Rep. Aniela Tolentino, 1-Pacman Party List Rep. Mikee Romero at anak na si Milka, gymnastics head Cynthia Carrion-Norton at ilang miyembro ng House of Representatives at Japanese Embassy officials.
POC photo

MANILA, Philippines — Binigyang-pugay ng Japan Embassy sa Pilipinas ang tagumpay ni gymnast Carlos Yulo na sumungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Malaki ang naging papel ng Japan para makamit ni Yulo ang tagumpay partikular na ang naitulong ni Japanese coach Munehiro Kugimiya upang maging isang world-class athlete ang Pinoy champion.

Kaya naman kinilala ng Japan ang panalo ni Yulo sa isang simpleng programa na ginanap sa Japanese Embassy sa Ambassador’s Residence sa North Forbes Park sa Makati City.

“It was fitting the Japanese Embassy to cele­brate Caloy’s [Yulo] double victory in Paris. It was in Japan where Caloy honed to become a two-time world and double Olympic champion,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Matatandaang nagsi­mula magtraining sa Japan si Yulo noong 2016 kasama si Kugimiya.

Naging scholar si Yulo sa Teiko University.

“For most of his late teens, Caloy has done so well in his sport and those two gold medals in Paris are testament to what he learned while in Japan,” ani Tolentino.

Sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at asawang si Akiko Endo ang nagsilbing host ng simpleng seremonya kasama si International Gymnastics Federation president Morinari Watanabe ng Japan.

Dumating din sina Phi-lippine Sports Commission chairman Richard Bachmann at gymnastics head Cynthia Carrion-Norton.

Nagpasalamat naman si Yulo sa mga naitulong ng Japan sa kanya partikular na ni Kugimiya.

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with