^

PSN Palaro

Team Ilustre kampeon sa COPA Golden Goggle

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Team Ilustre kampeon sa COPA Golden Goggle
Pa-dive ang mga batang swimmers na kalahok sa COPA Golden Goggle 3rd at 4th leg swimming competition sa Rizal Memorial Sports Comple
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dinomina ng Team I­lustre East Aquatic ang Congress of Philippine Aqua­tics, Inc. (COPA) Golden Goggle 3rd at 4th leg matapos humakot ng 30 gintong medalya at tanghaling overall champion na ginanap sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Compex (RMSC) sa Malate, Manila.

May 17 na gintong me­dalya ang nasikwat ng Team Ilustre sa BiFin  event, isa sa malaking ambag ay si national junior record holder sa boys 13-under Jamesray Mishael Ajido.

Matapos pangunahan ang koponan sa 21-gold medal na nahablot sa opening day ay nagdag­dag pa si Ajido ng apat kung saan tatlo ay galing sa BiFin.

Nakapagtala ng 4,682 points sa tournament ang Team Illustre sa event na suportado ng Speedo, Phi­lippine Sports Commission (PSC) at MILO.

Kinalos ng 14-anyos na si Ajido ang kanyang mga kalaban sa BiFin 100 freestyle sa naitalang 52.27 segundo gayundin sa 200free (1:56.15) at 50free (22.80).

Sinikwat din ng Grade 7 student mula sa Montessori Integrated School-Antipolo ang kanyang ikaapat na ginto sa classic (regular) swimming event sa boys 100m backstroke sa oras na 1:02.47.

“Yung purpose namin  to include BiFin events is to expose the discipline sa ating mga batang swimmers at sa kanilang mga magulang.” ani  tournament director Chito Rivera.

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with