^

PSN Palaro

Morales siblings, Daz susunod sa yapak ni Tsukii

Pilipino Star Ngayon
Morales siblings, Daz susunod sa yapak ni Tsukii
Sina (mula kaliwa) Solara Uriel Morales, Seteven Jhudiel Morales at Zemira Zaigen Daz na nagwagi ng medalya sa All Luzon Karate Championships.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sina Steven Jhudiel Morales, Solara Uriel Morales at Zemira Zaigen Gawad Daz ang posibleng sumunod sa yapak ni World Games gold meda­list Junna Tsukii.

Ang tatlo ay mga mi­yembro ng International Shotokan Karate Fede­ration-Philippine Shotokan Karate Federation-San Jose Del Monte Bulacan (ISKF-PSKI SJDM Bulacan) na isang active clubs ng Karate Pilipinas.

Nagwagi ang 12-anyos na si Steven Jhudiel ng kata at kumite gold medals sa nakaraang Pilipinas National Championships sa MOA Arena sa Pasay City.

Dinomina rin niya ang kumite at kata events ng ISKF-PSKI Olongapo Karatedo Championships at ang 3rd ABR Cup Karate Championships Interme­diate Kata.

Sumipa naman ang 8-anyos na si Solara Uriel ng gold sa kata girls’ class sa 3rd ABR Cup Karate Championships, silver sa team kata at kumite at bronze sa team kumite.

Hindi rin nagpahuli ang 8-anyos na si Daz nang kumuha ng silver sa kata 6-7-year-old division ng ISKF-PSKI Olongapo Invitational Karatedo Cham­pionships, team at indivi­dual kata silver at individual kumite silver sa 3rd ABR Cup Karate Championships.

Ang kampanya ng ISKF-PSKI SJD ay sinuportahan ng local government unit (LGU) sa pamumuno nina City Mayor Arthur Robes, Dr. Dennis Booth at Luis Gutierrez.

ABR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with