^

PSN Palaro

Kilalanin: ONE Championship 'ring girls' sa labas ng bakbakan

James Relativo - Philstar.com
Kilalanin: ONE Championship 'ring girls' sa labas ng bakbakan
Kim Jina (kaliwa) at Lee Jina (kanan) sa press conference ng ONE: Dawn of Heroes.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

MANILA, Philippines — Kilala ng marami ang "ring girls" ng ONE Championship sa kanilang pagrampa't paghawak ng placard sa pagitan ng matches bilang tanda ng round sa mga mixed-martial arts, Muay Thai at kickboxing bouts.

Pero alam niyo ba na meron silang mga natatagong talento labas sa ipinamamalas sa loob ng cage?

Pinaunlakan nina Lee Jina at Kim Jina ang panayam ng Pilipino Star Ngayon at Philstar.com kahapon sa press press conference ng ONE: Dawn of Heroes upang patunayan na hindi lang sila basta magagandang mukha.

'Touring international DJ'

Labas sa mundo modelling, kilala rin si Lee Jina ng Seoul sa kanyang pagpe-perform bilang electronic musician.

Isang DJ, o disc jockey, nakaikot na siya sa iba't ibang panig ng daigdig sa pagtugtog ng electronic dance music.

"I['ve] played [in] many countries, a lot of countries such as China, Philippines one time... Indonesia and Korea," kanyang pagbabahagi.

"My main genre is EDM, and I can play hiphop."

 

 

Nang tanungin kung ano ang paborito niyang bahagi ng pagiging isang musician, sinabi niyang ito ay ang kanyang pakikisalamuha sa iba't ibang tao.

"[The] music of course, and I like to hang out with people. That's the most important thing. I love people," sabi pa niya.

Sa kabila nito, nananatili pa ring prayoridad para sa kanya ang kanyang mga tungkulin sa ONE bunsod ng kanyang kontrata.

 

 

Isinisingit lang daw niya ang hilig tuwing depende sa kanyang schedule.

"I'm contracted with ONE first so, this is [my] main job and DJ[-ing] is [my] second job."

K-Drama, movie actress

Samantala, nasa pinilakang tabing naman ang passion ni Kim Jina ng Daejeon, South Korea.

Ayon sa website ng ONE, maaga pa lang ay ninais na niyang maging "star" kung kaya't nag-enrol siya sa iba't ibang acting classes noong high school at kolehiyo.

"In the process, she even managed to break into Korea’s coveted show business industry, carving out a niche for herself by appearing in several TV commercials, drama series, and music videos for top bands," ayon sa kanyang profile.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KimJina • ONEchampionship® (@iamjina_kim) on

Maliban sa pagiging ring girl at kanyang pag-arte, ibinahagi rin niya kung paano niya jina-joggle ang kanyang modeling carreer labas sa ONE.

Pagpapanatili ng pangangatawan

Tulad ng mga atleta, hindi naman exempted sina Lee at Kim sa pag-eensayo upang panatilihing fit ang kanilang pangangatawan tuwing fight night.

"So athletes, they have to train their stamina for events. And besides, preparing themselves, make up and everything [ring girls need to train their] stamina because the nights will trully be long, even though we only see them for a [short period of time in a night]," sabi ng interpreter ni Kim.

Sa tuwing dumarating sila sa kanilang host country, diretso rin daw sila sa kanilang rehearsals isang araw bago ang mga laban.

Pero iba naman ang diskarte ni Lee, na hindi raw gaano iniisip ang kinakain.

"I usually eat a lot, really eat a lot because I don't want to get stressed about food and diet," ani Lee.

"But when I have time, I try to go to the gym and I walk every day at least 30 minutes."

Mahalaga rin daw na relaxed sila lagi upang masiguro ang kanilang ganda.

Makikita sina Lee Jina at Kim Jina sa Biyernes, ika-2 ng Agosto sa ONE: Dawn of Heroes.

KICKBOXING

MARTIAL ARTS

MIXED-MARTIAL ARTS

MODELLING

MUAY THAI

ONE CHAMPIONSHIP

RING GIRLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with