^

PSN Palaro

James ‘di pa tiyak ang pagsali sa Team USA

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Nakasalalay sa kanyang kalusu­gan at pamilya ang paghahangad ni LeBron James ng kanyang record na ikatlong basketball Olympic gold medal sa 2016.

Sumalang si James sa minicamp ng USA Basketball bilang sagot sa panawagan ni chairman Jerry Colangelo na ang sinumang player na gustong mapasama sa 2016 roster ay dapat makipag-ensayo sa Las Vegas.

Nagpapawis si James na suot ang No. 27 jersey bagama’t hindi siya maglalaro sa intrasquad exhibition ng koponan sa Huwebes dahil sa pagiging abala sa  Ohio.

Maaaring makasama ang Cleveland Cavaliers All-Star kina Carmelo Anthony at Chris Paul bilang mga tanging three-time gold medalists.

Sina James at Anthony ang posibleng maging unang American men na naglaro sa apat na Olympics.

“All my decisions go through my family. We’ll see how my family feels about it,” wika ni James. “And then with my health, going another NBA campaign season, as far as my team back home in Cleveland, and I’ll go from there.”

Unang naglaro si James para sa Team USA noong 2004 Olympics kasabay ni Anthony kung saan sila nakuntento sa bronze medal matapos ang kanilang rookie seasons.

Sumabak sina James at Anthony, kasama si Paul, sa 2008 at 2012 Olympics.

ACIRC

ANG

CARMELO ANTHONY

CHRIS PAUL

CLEVELAND CAVALIERS ALL-STAR

HUWEBES

JAMES

JERRY COLANGELO

LAS VEGAS

MAAARING

SINA JAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with