^

PSN Palaro

Shakey’s V-League FEU tossers asam ang sweep; TIP spikers pakay ang playoff

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikita ang tunay na katatagan ng nagdedepensang kampeon FEU Lady Tamaraws sa pagharap sa National University Lady Bulldogs sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-12:45 ng hapon mapapanood ang tunggalian sa pagitan ng dalawang koponan na naglaban para sa kampeo­nato noong nakaraang taon.

Hindi pa na­tatalo ang Lady Tamaraws matapos ang apat na laro sa Group A at dapat na manatili ang tikas nina Bernadeth Pons, Remy Palma at guest player Jovelyn Gonzaga para maisantabi ang inaasahang  inspiradong laro ng Lady Bulldogs.

May 3-1 karta at kasalo ang Arellano sa ikalawang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera, magla­laro ng kumpleto ang puwersa ng Lady Bulldogs dahil sa pagbabalik nina Dindin Manabat at Myla Pablo para makatuwang uli sina Jaja Santiago at Jorelle Singh.

Ang Lady Chiefs ay makakalaro ang UP Lady Maroons dakong alas-3 ng hapon at puwestuhan na lamang ang kanilang paglalabanan dahil talsik na sa grupo ang PUP Lady Radicals at University of Batangas Mighty Brahmans sa magkatulad na 0-4 baraha.

Huling laro sa alas-5 ng hapon ay sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at TIP Lady Engineers at hanap ng UAAP titlists ang makumpleto ang 5-0 sweep sa Group B.

May 1-3 karta ang Lady Engineers at kasalo sa ma­halagang ikaapat na puwesto ang pahingang San Sebastian Lady Stags at La Salle-Dasma Lady Patriots.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETH PONS

COLLEGIATE CONFERENCE

DINDIN MANABAT

LADY

LADY BULLDOGS

LADY ENGINEERS

LADY TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with