Slaughter, Sangalang babandera sa PBAPC All-Rookie Team
MANILA, Philippines - Ibinoto sina Barangay Ginebra San Miguel center Greg Slaughter at San Mig Super Coffee forward Ian Sangalang sa All-Rookie Team na pararangalan sa PBA Press Corps (PBAPC) Annual Awards Night sa Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.
Makakasama nila sa selection sina Rain or Shine center Raymond Almazan, Globalport guard Terrence Romeo at San Mig Super Coffee spitfire Justin Melton.
Ang 7-foot na si Slaughter, ang No. 1 overall pick noong nakaraang Rookie Draft, ay ang starting center ng Gin Kings sa nakaraang season.
Hinirang siyang Rookie of the Year matapos magtala ng mga averages na 15 points, 10.5 rebounds at 1.40 shot blocks sa kanyang unang taon sa liga.
Naging susi naman si Sangalang sa Grand Slam ng Mixers matapos magbigay ng malaking produksyon ang dating San Sebastian star sa ilalim ni coach Tim Cone.
Ang No. 2 overall pick noong 2013 Draft, naglaro si Sangalang sa kanyang off-the-bench role para sa San Mig Coffee.
Nagtala ang 6-foot-7 forward ng mga averages na 7.46 points at 4.79 rebounds per game sa kanyang rookie year.
Ang event ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text.
- Latest