^

PSN Palaro

5 gold itutumba ng judokas

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Ang matagal na dominasyon ni John Baylon sa judo ay maaaring nagwakas na ngunit kumpiyansa pa rin ang mga Filipino judokas na magagawa nilang manalo kahit wala na ang nasabing legendary warrior.

Sinabi ni judo coach Rolan Llamas na ang magandang ipinakita ng mga judokas sa pre-qualifying meet bukod pa ang pagkakaroon ng kinatawan sa technical board, ang magpapalakas sa kanilang tsansa para sa gintong medalya sa pagsisimula ng labanan ngayon sa Zayar Thiri Indoor Stadium.

Idinagdag pa ni Llamas na hangad nila ang isang re­cord performance ng limang gold medals na hindi naman malayong mangyari dahil si Philippine Judo Federation president Dave Carter ay nakaupo bilang head of technical officials.

“Kayang-kaya natin ma-achieve yan, basta huwag lang dadayain,” wika ni Llamas. “Pero tingin ko, hindi naman mangyayari yun. Kilala kasi natin ang mga technical officials at mga referees, at si Mr. Carter ang nakaupo sa taas. So mababantayan nyang mabuti ang tawagan.”

DAVE CARTER

IDINAGDAG

JOHN BAYLON

KAYANG

KILALA

MR. CARTER

PHILIPPINE JUDO FEDERATION

ROLAN LLAMAS

ZAYAR THIRI INDOOR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with