^

PSN Palaro

Davis malaking banta sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung mayroon mang dapat bantayan ang Gilas Pilipinas sa koponan ng Chinese-Taipei, ito ay si naturalized big man Quincy Davis.

Sa 91-87 panalo ng Chinese-Taipei kontra sa Jordan noong Huwebes, humakot ang 6-foot-8 na si Davis ng 18 points at 11 rebounds.

Isinuko ng 30-anyos na si Davis ang kanyang American citizenship para maging isang naturalized player ng Taiwan noong nakaraang Hunyo.

Naglaro si Davis para sa Tulane University kung saan siya umiskor ng kabuuang 1,106 points at humakot ng 559 rebounds, ang 226 dito ay offensive boards, sa kanyang four-year career.

Noong 2006 ay nagtungo si Davis sa Cyprus para maglaro sa koponan ng ETHA Engomis kasunod ang pagkampanya sa Venezuela, China, Turkey at Taiwan.

Nagsimulang katawanin ni Davis ang Taiwan sa nakaraang 2013 Jones Cup kung saan hindi inimbitahan ng organizers ang nagdedepensang Gilas ni coach Chot Reyes.

Maliban kay Davis, inaasahan ring tutukan ng Nationals si veteran Lin Chih-chieh na kumolekta ng 27 points, 5 rebounds at 6 assists sa kanilang pagtakas sa Jordan.

Inangkin ng Taiwanese ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Saudi Arabia, 90-67, tampok ang kanilang 17-of-38 shooting sa three-point line kahapon.

Kumolekta si Davis ng 14 points at 10 boards para sa 2-0 baraha ng Chinese-Taipei.

Nanggaling ang Gilas sa 78-66 panalo laban sa Saudi Arabia sa kanilang unang laro sa Group A.

CHINESE-TAIPEI

CHOT REYES

DAVIS

GILAS PILIPINAS

GROUP A

JONES CUP

LIN CHIH

QUINCY DAVIS

SAUDI ARABIA

TULANE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with