Gonzales sasabak sa pinakamatindi niyang laban sa pagharap kay Udomchoke
MANILA, Philippines - Nahaharap si Fil-Am RuÂben Gonzales sa kanyang pinakamabigat na laÂban sapul nang mapabiÂlang sa Philippine Davis Cup team.
Kasukatan ng No. 1 player ng Pilipinas ang pamÂbato ng Thailand na si DaÂnai Udomchoke ngaÂyong hapon na maaaring magÂdetermina kung sino sa Pilipinas at Thailand ang maÂnanalo sa idinadaos na Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu City.
Matapos ang unang araw noong Biyernes ay nagÂhati ang magkabilang bansa sa tig-isang panalo sa dalawang singles na piÂnaglabanan.
Si Gonzales ang siyang nagÂbigay ng unang panalo sa host country sa pamamagitan ng 6-7 (6), 6-4, 2-0 (ret) laban kay Wishaya Trongcharoenchaikul bago naiÂtabla ni Udomchoke ang best-of-five tie sa 6-3, 6-2, 1-6, 6-2 panalo laban kay Johnny Arcilla.
Kagabi ginawa ang doubles at nagtuos sina Treat Huey at Francis CaÂsey Alcantara laban sa mga batang netters na siÂna Nuttanon KadchapaÂnan at Pruchya Isarow paÂra sa mahalagang 2-1 kaÂlamangan.
Ang nanalo sa unang reversed singles na naÂkaÂtakdang maganap sa alas-3:30 ng hapon ang siÂyang magkakaroon ng pagÂkakataong wakasan ang tagisan.
Sakaling mangailangan ng deciding fifth game, ang nakatokang magtuos ay sina Arcilla at Wishaya.
Nasa ika-walong tie, ang 27-anyos na si Gonzales na ranked 784 sa singles ay mapapalaban sa 31-anyos at 207 ranked na si Udomchoke, ngunit may tiÂwala si non-playing team captain Ronald Kraut sa kaÂpasidad ng Fil-Am.
“Among the four of them, I feel that Ruben has the game style that can give Danai some trouble, his big serves and ground strokes,†ani Kraut.
- Latest