^

PSN Palaro

Robinson, 2 pa nasungkit ng Houston sa Sacramento: Harden pinasiklaban ang dating koponan

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON --Sa wa­kas ay tinalo na din ni Ja­mes Harden ang kanyang dating koponan noong Miyerkules ng gabi.

Umiskor si Harden ng career-high 46 points at nagdagdag ng 29 si Je­remy Lin para tulungan ang Houston Rockets sa 122-119 paggupo kontra sa Oklahoma City Thunder.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Memphis ang Toronto, 88-82; ginapi ng Detroit ang Charlotte, 105-99; pinasadsad ng Indiana ang New York, 125-91; pinigil ng Cleveland ang New Orleans, 105-100; pinayukod ng Miami ang Atlanta, 103-90; ginitla ng Minnesota ang Philadelphia, 94-87; giniba ng Dallas ang Orlando, 111-96; pinatid ng Golden State ang Phoenix, 104-92; at binugbog ng Los Angeles Lakers ang Boston Celtics, 99-80.

Bumangon ang Houston mula sa isang 14-point deficit sa huling pitong minuto sa fourth quarter.

Ginamit ng Rockets ang isang 21-4 atake para agawin ang unahan sa 114-111 sa huling 1:46.

Tumipa si Harden, dinala ng Oklahoma City sa Houston bago magsimula ang season, ng isang basket kasunod ang dalawang free throws ni Serge Ibaka para sa Thunder.

Ang tres ni Lin ang nagbigay sa Rockets ng 119-113 kalamangan.

Nailapit ni Russell West­brook ang Oklahoma City sa tatlong puntos ngunit nagsalpak naman si Lin ng isang free throw upang selyuhan ang panalo ng Houston.

Samantala, nakuha ng Houston Rockets sina No. 5 pick Thomas Robinson at forwards Francisco Garcia at Tyler Honeycutt mula sa Sacramento kapalit nina forward Patrick Patterson, center Cole Aldrich at point guard Toney Douglas noong Miyerkules.

Dinala rin ng Rockets si forward Marcus Morris sa Phoenix para sa isang future second-round pick.

Nilisan nina Patterson, Aldrich at Douglas ang To­yota Center sa pagsisimula ng laro ng Houston at Oklahoma City.

Tangan ng Rockets ang No. 8 spot sa Western Conference.

Nakita ang 6-foot-9 na si Patterson sa 38 laro ng Houston ngayong season at ang fourth-leading scorer ng Rockets.

Nagtala siya ng ave­rage na 11.6 points.

BOSTON CELTICS

COLE ALDRICH

FRANCISCO GARCIA

GOLDEN STATE

HOUSTON

HOUSTON ROCKETS

LOS ANGELES LAKERS

MARCUS MORRIS

OKLAHOMA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with