^

PSN Palaro

Wild Card Gym isinara sa publiko Pacquiao isinalang na ni Roach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Sa pagsisimula ng ka­nilang training camp kahapon ay ipinasara ni chief trainer Freddie Roach ang kanyang Wild Card Bo­xing Gym bukod pa sa paghihigpit ng seguridad sa mga fans ng Filipino boxing superstar.

Ginawa ito ni Roach para hindi maistorbo ang pag-eensayo ng Filipino world eight-division champion na determinadong pabagsakin ang karibal na si Juan Manuel Marquez sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nagpapawis si Pacquiao sa pagsasagawa ng shadow boxing, skipping rope, punch mitts, speed ball at heavy bag.

“All the reports that I’m getting are very good but I will see for myself tomorrow when I watch him train at the Wild Card Gym,” wika ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sa kanyang pagsabak sa sparring session ay makakasabayan naman ng Sarangani Congressman sina American Ray Beltran, Russian boxer Ruslan Provodnikov at welterweight Frankie Gomez.

Halos dalawang linggo ang naging pagpapakondisyon ni Pacquiao sa kanyang boxing gym sa General Santos City katuwang si Filipino assistant trainer Buboy Fernandez bago nagtungo ng United States.

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title welterweight fight ngunit nakataya naman ang espesyal na WBO ‘Champion of the Decade’ championship belt.

Sa kabila ng tatlong ulit na pagbagsak sa first round ay naitakas ni Marquez ang isang draw sa kanilang unang paghaharap noong Mayo ng 2004, habang isang split decision win ang nakamit ni Pacquiao sa kanilang rematch noong Marso ng 2008.

AMERICAN RAY BELTRAN

BOB ARUM

BUBOY FERNANDEZ

CHAMPION OF THE DECADE

FRANKIE GOMEZ

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with