^

PSN Palaro

Diretsong 15 sa Cavaliers

Pilipino Star Ngayon
Diretsong 15 sa Cavaliers
Kinalabaw ni Cavs forward Jarrett Allen sina Hornets defenders Tidjane Salaun at Grant Williams.

CLEVELAND — Nagsal­pak si Darius Garland ng 25 points habang dinuplika ni Ty Jerome ang kanyang career-high 24 markers sa 128-114 pagtusok ng Cavaliers sa Charlotte Hornets.

Kumolekta si center Evan Mobley ng 23 points at 11 rebounds at naglista si forward Jarrett Allen ng 21 markers at 15 boards.

Hindi naglaro si Donovan Mitchell.

Ang Cleveland ang fourth team na nagposte ng 15-0 start para makasama ang Golden State Warriors (2016), Houston Rockets (1994) at Washington Capitols (1949).

Ang Warriors ang nag­lista ng league record na 24-0 patungo sa kanilang 73-9 season.

Pinamunuan ni LaMelo Ball ang Charlotte (5-8) sa kanyang 31 points at 12 assists kasunod ang 19 markers ni Miles Bridges.

Sa Memphis, naglista si Jaren Jackson ng 20 points sa 105-90 paggupo ng Grizzlies (8-6) sa Denver Nuggets (7-5).

Sa Los Angeles, umak­yat si James Harden sa second place sa NBA career three-point list at kumamada ng 20 points at 11 assists sa 116-105 pagdaig ng Clippers (7-7) sa Utah Jazz (3-10).

Sa New York, humakot si center Karl-Anthony Towns ng 26 points, 15 rebounds at 6 assists para gabayan ang Knicks (7-6) sa 114-104 paggupo sa Brooklyn Nets (5-9).

Sa Oklahoma City, nagkadena si P.J. Washington ng 27 points at career-high 17 rebounds para tulungan ang Dallas Mavericks (7-7) sa 121-119 pagtakas sa Thunder (11-3) bagama’t hindi naglaro si star guard Luka Doncic.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with