^

PSN Palaro

Rock ‘n’ Roll Running Series Manila sa final session ng PSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatapusin ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang taong 2024 sa pagdaraos ng 3rd ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series Manila sa Robinson’s Place Manila.

Gagawin ang special edition ng public sports program sa Activity Center (Atrium side) at magsisi­mula sa alas-11 ng umaga.

Tatalakayin nina Shina Buxani ng ASICS, Melissa Henson ng AIA, Manila Vice Mayor Yul Servo, DTCAM head Charlie Dungo at Princess Galura ng IRONMAN Group Philippines ang running series na nakatakda sa Nobyembre 23 at 24 sa Rizal Park.

Ang public sports prog­ram ay inihahandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at 24/7 sports app Arena Plus.

Ang session ay naka-livestream sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isinasaere sa Radyo Pilipinas 2.

Ito ang pinakahuling e­disyon ng PSA Forum para sa taong ito para bigyang-daan ang 2024 Batang Pinoy at ng BIMP-EAGA Friendship Games sa susunod na linggo sa Puerto Princesa, Palawan at para sa grand preparation ng annual PSA Awards Night na nakatakda sa Enero 27, 2025.

Iniimbitahan ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang lahat ng mga members na dumalo sa special session.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with