^

PSN Opinyon

Enjoy lang kahit iniwan

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Walang iwanan! Sarap pakinggan. Pero ang tanong: Ilang beses ka na bang iniwan?

Iniwan ka na nga, iiyak mo pa ba pati future mo?

Masakit maiwan. Jowa, kaibigan, katrabaho, pamilya - lahat tayo may listahan ng mga taong umalis. Pero pakinggan mo ito: Iniwan ka man ng tao, hindi ka iniwan ni Kristo. At minsan, pag-alis nila ang daan para makarating ka sa sarili mo.

Kaya, enjoy lang kahit iniwan.

Iniwan, Pero Hindi Sinukuan ni Lord.

Akala mo tapos ka na kasi umalis siya. Hindi. Ang halaga mo hindi sinusukat kung sino ang nanatili. Sa mata ni Lord, buo ka pa rin! Walang nabawas!

Sabi sa Isaias 49:15-16: “Malilimutan ba ng ina ang kanyang anak? Kahit malimutan, Ako hinding-hindi kita malilimutan. Tinitigan kita, nakaukit ka sa palad Ko.” Hindi ka sinukuan. Nakaukit ka pa rin.

Luwag Para sa Bago.

Sa Psychology, kapag may umalis, may space na nalilikha. At ang space na ‘yan ay hindi kawalan, kundi paanyaya.

‘Pag may umalis, may lugar para sa mas totoo, mas resonant, mas hinog na pag-ibig. Hindi lahat ng umaalis, kawalan. ‘Yung iba, paglilinis pala para makapasok ang dapat.

From Bitter to Better.

Piliin mong maging better, hindi bitter. Masakit, oo. Pero nagmahal ka nang totoo, at ‘yun ang mahalaga. Ang bitter, nakakulong sa nakaraan.

Ang better, natuto sa nakaraan. Sa Ebanghelyo ngayon, sa Mateo 20:1-16, ipinakita ni Jesus na walang huli sa pagpasok sa Kaharian. Kahit nahuli, may buong sweldo. Kahit iniwan, may bagong simula kay Lord.

Kaya enjoy lang kahit iniwan. Kasi ‘yung nag-iwan, nawala. Pero ikaw, nandito pa - buo, lumalaban, at minamahal pa.

At sa dulo, hindi ang iniwan ang talo, kundi ang nang-iwan na hindi marunong magmahal.

Damahin natin ang pagmamahal ng Dios  sa atin.

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with