Infra projects ngayong 2025 (Part 2)
Gaya ng una kong inanunsiyo sa column na ito, sinimulan natin ang 2025 sa pagbisita sa napakaraming infrastructure projects sa ating siyudad para sa ating QCitizens.
Kasunod ng Districts 3, 4 at 6, pinuntahan naman natin ang mga proyekto ng pamahalaang lungsod sa Districts 1, 2 at 5.
Sa District 2, pinangunahan natin ang ribbon cutting ceremony para sa phase 1 ng 5-storey condominium QCitizen Homes Payatas Community 3 sa Barangay Bagong Silangan.
Makikita rito ang 139 rental housing units na may sukat na 24 square meters at 30 square meters para sa informal settler families at mga pamilyang QCitizens na nakatira sa waterways at delikadong lugar.
Speaking of pabahay, nagsagawa na tayo ng move-in ceremony and turn-over of keys ng residential condominium units ng QCitizen Homes Urban Deca sa Barangay Commonwealth.
Nasa 2,699 condo units sa apat na buildings ang binili ng lokal na Quezon City Government mula sa Urban Deca Homes para sa informal settler families at mga pamilyang apektado ng government infrastructure projects. Ito ay kabilang sa ating rental housing units na mura ang upa na ipapataw sa mga benepisyaryo.
Pinasinayaan din natin ang pitong bagong buildings sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center, kabilang ang Admin Building, Old and New Mess Halls, Staff House, at ang tatlong dormitoryo para sa mga pasyente.
Para naman maiwasan ang landslide at pagbaha sa lugar, ininspeksyon natin ang proyektong Slope Protection sa Kalamiong Creek sa Barangay Payatas.
Nilibot natin pati na ang 4-storey Payatas C Elementary School at bagong 5-storey building ng District 2 Action Office na matatagpuan sa Serbisyong Bayan Park ng Barangay Batasan Hills.
Binisita at ininspeksiyon din natin ang mga proyekto natin sa District 1, kasama na riyan ang Project 6 multipurpose building, Vasra multipurpose building, QCGH sewage treatment plant, Bgy. San Antonio Health Center, Bungad Barangay Hall, San Francisco River dredging works, Masambong Park, Balingasa housing project, at Bgy. Lourdes multipurpose building.
Nakalinya na rin ang mga proyekto natin para sa mga taga-District 5. Kasama sa mga dinaanan ng ating pag-ikot ang Bagbag Government Center, Novaliches District Hospital, San Bartolome High School, San Bartolome MRF Facility, Bagbag Integrated High School, Buenamar Plaza (Quirino Highway), Teresa Heights (Pasong Putik), Sta. Monica Detention Basin, at Sta. Lucia Multipurpose Building.
Ilan lang iyan sa ating mga nakalinyang proyekto para sa ikagaganda ng buhay ng ating QCitizens. Asahan ninyo ang walang pagod na pagkilos ng pamahalaang lungsod para sa inyo.
- Latest