^

PSN Opinyon

Paano malalaman kung gouty arthritis ang sakit

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang gout ay pangkaraniwang sakit. Ang sintomas nito ay matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, bukung-bukong at tuhod.

Paano malalaman kung gouty arthritis ang sakit?

Nararapat suriin ang uric acid sa pamamagitan ng blood test. Kapag mataas ang uric acid sa dugo, puwede itong magbuo at pumunta sa kasu-kasuan. Napakasakit ng paki­ramdam kapag may gout.

Narito ang ilang tips sa gout:

1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na sumasakit sa gout.

2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig. Ito ay dahil mas naaalis ang uric acid crystals sa katawan.

3. Ang alak, karne at lamanloob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.

4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay­ tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas ma­daling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.

5. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout.

6. Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay ang mga doktor ng Colchicine tablets, apat na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng mefenamic acid para sa kirot.

ARTHRITIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with