^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, et al.

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, et al.

Walang Mary Grace Piattos sa data base ng Phi­lippine Statistics Authority (PSA) ayon sa isang mataas na opisyal ng nasabing tanggapan. Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, walang record para sa individual’s birth, marriage at death record ni Mary Grace Piattos. Isinumite ng PSA ang kanilang findings sa House committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga sa hindi maipaliwanag na paggastos ng pondo ng Office of the Vice President at confidential fund. Si Mary Grace Piattos ay isa sa signatories ng 158 acknowledgment receipts na naka-attached sa liquidation reports na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) ka­ugnay sa P125 million confidential funds na ginastos sa loob ng 11 araw noong 2022.

Kahapon, sa isang radio interview, sinabi pa ng isa pang opisyal ng PSA na patuloy pa rin nilang hinahanap ang isa pang signatories sa acknowledgement receipts na nagngangalang “Kokoy Villamin”. Ayon sa opisyal, magsasagawa pa sila nang masusing pagsasaliksik sa nasabing pangalan. Kabilang ang pa­ngalang “Kokoy Villamin” sa mga isinumite ng House committee on good government and public accountability sa PSA at hiniling­ na maberepika. Ayon sa PSA official, kapag natapos na ang kanilang paghahanap kay “Cocoy Villamin” ay agad nilang isusumite sa House committee.

Unang lumutang ang pangalang Mary Grace Piattos­ nang mapansin ng isang mambabatas sapagkat ka­­ka­iba ang pangalan na tila hinango sa isang café/restaurant at potato chips. Nang tanungin ang mga inim­bitahang tauhan at opisyal ng OVP, wala silang maalalang Mary Grace Piattos. Sabi ng mga mambabatas tila nagka-amnesia ang mga taga-OVP. Maski si Vice Pre­sident Sara nang tanungin ukol kay Mary Grace Piattos ay walang masabi. Hindi pa raw niya nakikita ang acknowledgement receipt. Dahil sa pagiging kontrobersiya ni Mary Grace Piattos, nag-offer ng P1-milyon na pabuya ang mga mambabatas sa sinumang makapag­tuturo kay Mary Grace Piattos.

Bukod kay Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na nakalagda sa acknowledgement receipts nakalagda rin umano ang mga pangalang Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Reymunda Jane Nova at Chippy McDonald.

Kapag walang natagpuan ang PSA na pangalang Kokoy Villamin, titibay ang paniniwala na talagang mga kathang isip o inimbento lamang ang mga pa­ngalang nakalagda sa acknowledgement receipts. Tiyak na may isang nag-utos na gawin ang pag-imbento ng mga pangalan para kunwari ay tumanggap ng confidential funds.

Itigil na ang paghahanap kay Mary Grace Piattos at mga kasama at sa halip, ang hanapin o tuklasin ay ang nag-utos na imbentuhin ang mga pangalan.

MARY GRACE PIATTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with