^

PSN Opinyon

Halaga ng pag-inom ng tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAILANGAN ng ating katawan ang tubig para hindi ma-dehydrate. Narito ang tips sa tamang pag-inom ng tubig.

1. Walo hanggang 10 basong tubig bawat araw ang nararapat inumin. Kung mahina ang puso, puwede na ang apat hanggang limang basong tubig ang inumin. Huwag lalampas sa 16 basong tubig sa isang araw at baka lumabnaw ang dugo.

2. Pakonti-konti lang ang pag-inom. Mga tatlo o apat na lagok lang. Huwag biglang uminom ng dalawang basong tubig lalo na kung may edad dahil baka malunod ang puso. Ang pag-inom ng pakonti-konti ay panlaban sa pangangasim ng sikmura dahil nalilinis ang asido sa tiyan.

3. Pagkagising sa umaga, uminom ng isang basong tubig. Ito’y dahil kulang tayo sa tubig o dehydrated na sa umaga. Nililinis din nito ang ating kidneys at pantog.

4. Sa mga may lahi ng kidney stones, kailangang uminom ng tubig bago matulog sa gabi. Ito’y para hindi mabuo ang kidney stones sa gabi.

5. Uminom ng mas maraming tubig habang nag-eehersisyo. Kapag malakas kayong magpawis, kailangang uminom ng isang basong tubig bawat 30 minutos ng ehersisyo.

6. Kapag nanunuyo ang inyong lalamunan, may sipon o ubo, uminom din ng mas maraming tubig para lumabnaw at mailabas ang plema.

7. Sa mga nagbi-breastfeeding, damihan ang inom ng tubig para sa inyo at sa inyong sanggol.

8. Siguruhing malinis ang tubig. Huwag makipagsapa­laran dahil maaring magdulot ng typhoid fever at gastroen­teritis ang maruming tubig.

9. Ang tubig ay nagpapaganda sa balat. Kapag kulang sa tubig, kukulubot ang balat. Ngunit kung may sapat na tubig, magiging makinis at malambot ang kutis.

10. Kung hindi mahilig sa tubig, puwedeng kumain nang maraming pakwan na punumpuno ng tubig at may bitamina pa.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with