^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Maguindanao massacre: Dami pang uhaw sa hustisya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Maguindanao massacre: Dami pang uhaw sa hustisya

LABINLIMANG taon na sa Nobyembre 23 ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao, 32 rito ay mga mamamahayag. Sa kabila nito, nananatili pa ring uhaw sa hustisya ang mga kaanak ng pinaslang. Hindi pa rin sapat o husto ang nakakamit nilang hustisya. Marami pa rin sa kanila ang hindi pa nakatatanggap ng kabayaran para sa namatay na kaanak.

Ang masakit pa ayon sa mga kaanak ng biktima, iniwan na sila ng mga tao na nangako noon na tutu­lungan sila. May mga pulitikong nangako na hindi sila iiwanan at ipaglalaban para makamit ang sapat na hustisya pero wala na umano ang mga ito. Nawala na rin ang mga abogadong nangako na tutulungan sila.

Bagama’t nahatulan na ang mga “utak” sa massacre­ — ang pamilya Ampatuan – marami pa rin ang nakala­laya at naghahatid ng takot sa mga naulila ng biktima. Maaring gantihan sila ng mga ito.

Naganap ang Maguindanao o Ampatuan massacre­ noong Nobyembre 23, 2000. Nagtungo sa Ampatuan­, Maguindanao ang convoy na kinabibilangan ng asawa­, kaanak, supporters ng kandidatong si Ismael Mangu­dadatu para mag-file ng kandidatura sa pagka-governor, kasama sa convoy ang 32 mamamahayag. Hindi na sila nakarating sa lugar na sadya sapagkat hinarang sila ng 100 armadong kalalakihan na pinamununuan ni Datu Unsay Andal Ampatuan at pinagbabaril. Nang patay na lahat, inilibing sila sa isang malalim na hukay. Pati ang mga sasakyan ay isinama rin sa hukay para maitago ang krimen.

Natuklasan ang mga bangkay at itinuro ang pamilya Ampatuan na nasa likod ng krimen. Sinampahan ng kaso ang mga Ampatuan at 100 iba pa. Noong Dis­yembre 20, 2019, ibinaba ang hatol. Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court kina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at Datu Anwar Sr. —mga anak ni Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr. na isa rin sa mga akusado subalit namatay sa bilangguan bago pa ibinaba ang hatol. Sa kabuuan, 28 ang hinatulan ng korte sa massacre.

Noong Nobyembre 23, 2023, kasabay sa ika-14 na taon ng masaker, hinatulan si Andal Ampatuan Jr. ng 210 taong pagkakulong dahil sa graft and corruption.

Kailan maisisilbi ang sapat na hustisya? Ito ang tanong ng mga kaanak ng biktima. Tuwing sasapit ang anibersaryo ng massacre, lalong humahapdi ang sugat na nilikha ng karumal-dumal na pagpatay. Nananawagan ang mga kaanak na arestuhin ang mga suspect pa sa masaker at ipagkaloob ang kabayaran sa mga biktima. Tapusin na ang kauhawan nila sa hustisya.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with