^

PSN Opinyon

Mga sintomas ng sakit sa mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag sumapit sa edad 40 pataas, may mga pagbabagong nagaganap sa mga mata. Ipa-check-up sa ophthalmologist kung makararanas ng mga sumusunod na sintomas:

1. Cataract – Ang lente ng mga mata ay may ulap o puti sa gitna, mabilis masilaw, nahihirapan sa gabi, kupas ang kulay na nakikita at doble ang nakikita. Kumunsulta sa eye specialist.

2. Presbyopia – Ang lente ay hindi maka-focus kaya hindi mabasa ang malapitan na letra. Magpagawa ng salamin.

3. Eye floaters o may mga lumulutang na bagay sa pa­ni­ngin – Kung paisa-isa lamang ang nakikita, hindi naman deli­kado dahil dulot ito ng pag-edad. Ngunit kung dumami, kaila­ngan nang magpatingin.

4. Dry eyes – Sobrang pagluluha at magaspang ang pakiramdam na parang may puwing sa mata. Patakan ng arti­ficial eye drops.

5. Age-related macular degeneration – Kung saan ang macula ng mata ay humihina. Ang sintomas nito ay: (1) maliit na letra at malabo ang mata, (2) ang kulay ay nababawasan, (3) hirap makaaninag ng mukha, (4) nag-iiba at parang alon-alon ang nakikita, at (5) lumalayo ang mga bagay. Kumunsulta sa isang Retina Specialist. Kumain ng mga pagkaing maya­man sa Vitamin A, C, E, zinc, copper, para hindi ito lumala.

6. Glaucoma – Tumataas ang presyon sa mata. Madalas­ ay wala itong babala kaya hindi agad napapansin. Ang sintomas­ ay: (1) hirap ang paningin sa gabi, (2) tunnel vision, (3) malabo, (4) may “halo” o bilog sa liwanag, (5) namumula ang mga mata, (6) masakit ang ulo o ang mga mata, (7) pakiramdam na parang nasusuka at nahihilo, at (8) cell damage sa optic nerve. Kumunsulta agad sa eye specialist para hindi mabulag.

7. Drooping eyelid (Ptosis) – Humihina ang muscle sa talukap ng mata kaya minsan ang balat ay tumatakip sa mata. Inooperahan ito kung nakatakip na sa mata.

8. Diabetic retinopathy – Kapag hindi nakontrol ang dia­betes ay puwedeng masira ang mata at mabulag. Dapat nasa normal palagi ang blood sugar.

9. Retinal detachment – Sa pag-edad, ang mga ugat na nagdadala ng dugo, oxygen at nutrisyon sa likod ng mata ay lumalayo. Ang retina ay numinipis, nagkakaroon ng maliliit na butas at nalalagyan ng fluid kaya lumalayo ang retina sa ugat. Kumunsulta agad sa doktor.

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with