Mga benepisyo sa pagkain ng monggo
NARITO ang mga benepisyo sa pagkain ng monggo:
1. Marami itong bitamina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, manganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.
2. Mayroong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa kanser at Alzheimers’ disease.
3. Ang purine ng monggo ay katamtaman lamang kaya puwedeng kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid, hinay hinay lang sa pagkain. Ang bawal sa merong gout ay ang mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato at balunan.
4. Mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estrogen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes at insomnia.
5. May taglay na calcium at phosphorus para sa buto.
6. Maganda ito sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.
7. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya puwedeng kainin ng may diabetes.
8. Isama rin ang monggo sa mga talbos ng ampalaya, malunggay, sili, spinach, alugbati at kangkong.
- Latest