^

PSN Opinyon

Tamang pagkain kung may arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA arthritis, nasisira ang cartilage sa araw-araw na paggamit. Ayon sa pag-aaral, ang free radicals ay maaaring ata­kihin ang selula, tumaas ang pamamaga, at mapabilis ang proseso ng pagtanda, kabilang ang pagkasira ng joints at cartilage. Kaya naman maganda na idagdag sa lutuin ang maraming anti-oxidants na makukuha sa prutas, gulay at green tea.

Narito ang mga dapat kainin:

1. Madahong gulay at citrus fruits – mayaman ang mga ito sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumutulong para protektahan ang joints. Ang taong may­roong arthritis ay kinakailangan makakuha ng mas maraming anti­oxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad ng dalan­dan, suha, calamansi, lemon at orange. May antioxidant na mata­tagpuan sa madadahong gulay, na nagpapababa rin ng pa­nganib sa arthritis.

2. Pinya – mayroon itong bromelain, isang protein-digesting enzyme na lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteoarthritis, katulad ng rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.

3. Matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban – mayaman ang mga ito sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pa­ma­maga.

4. Curry, turmeric at luya – lumalaban sa pamamaga sa arthritis. Ang mga ito ay may sangkap na curcumin, na pumi­pigil sa enzymes at protina na isinusulong ang pamamaga.

5. Green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus fruits – naglalaman ng quercetin. Ayon sa pag-aaral, ang quercetin ay anti-oxidant at anti-inflammatory.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with